CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Pormal na ibinigay sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron, netong araw, Hunyo 21, 2021, ang limang (5) unit ng Bajaj RE FI Tri wheeler Vehicle na nagkakahalaga ng 900,805.00 at sampung (10) unit ng Panasonic Air conditioner 1HP na nagkakahalaga ng 200,000.00. Sinaksihan ang turn over ceremony nina City Administrator Atty. Arnel M. Pedrosa, Assistant City Administrator Carlos G. Abogado at ang mga kinatawan mula sa EMCOR Puerto Princesa sina Primson Banzuelo, Regional Manager, Josephine Mendoza, Manager EMCOR Rizal Avenue Branch at Cyril Echague, Manager San Pedro Branch.

Ayon sa pamunuan ng EMCOR, ibingay nila ang mga ito upang magamit sa mga isolation facilities ng lungsod sa patuloy na pagsugpo at paglaban sa covid-19 virus, bahagi na rin ng promotion ng nasabing kumpanya. Dagdag pa ng EMCOR, ito ay kanilang inisyatibo at paraan upang makatulong sa lungsod sa paraang alam nila sa panahon ng pandemya.

Matapos ang turn over ceremony sa harap ng New Green City Hall agad na tumungo sa opisina ng Punong Lungsod upang pirmahan ni Mayor Lucilo R. Bayron at City Administrator Atty. Arnel M. Pedrosa ang papeless sa turn over ceremony na isinagawa.